Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Car show model, 2 kasama huli sa P68k shabu sa QC

0 74

Naaresto ng mga awtoridad ang car show model at dalawang kasama nito nang makumpiskahan ng 10 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P68,000 sa buy bust operation sa Novaliches, Quezon City nitong Martes ng gabi.

Kinilala ni Novaliches Police Station commander PLt. Col. Hector Amancia ang nadakip na sina Julie Ann Domingo, 20, car show model; Renzel Advincula, 26, at Mark Bayo, 18, taga-Caloocan City.

Nakatanggap umano ng impormasyon ang Novaliches police kaugnay sa illegal drug activities ng mga suspek.
Ikinasa ang operasyon bandang alas-6:00 ng gabi (September 1), malapit sa Shell gasoline station sa Clemente St. Brgy. San Agustin, Novaliches.

Isang undercover operative ang tumayong buyer at bumili ng P10,000.00 shabu sa model at kasapakat nito kaya dinakma ang mga ito. (Dolly B. Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.