Abante Tonite Interactive

Cara niresbakan si Bieber

449

May rebelasyon na naman ang host na si James Corden sa kanyang show na “Spill Your Guts or Fill Your Guts”. Kamakailan lang ay naging guest niya si Justin Bieber.

Pina-rank sa kanya kung sino ang pinakagusto at hindi masyadong bet na kaibigan ng kanyang asawa.

Nangunguna na rito ang modelo na si Kendall Jenner na sinundan ni Gigi Hadid. Ang kanyang least favorite ay si Cara Delevigne. Katwiran ng singer, mas kilala lamang niya si Kendall at hindi masyadong nakakasama si Cara.
Hindi na ­napigilan ng modelo na magsalita sa kanyang ­Instagram.

Aniya, “Now vs. Then If you have ­nothing against me, then why don’t you unblock me? Love you @haileybieber—he should have just eaten the bull penis.”

Wala pang tugon mula kay Justin dahil binlock na umano nito si Cara sa kanyang feed. Isa rin siguro itong rason kaya’t ­naglabas ng sama ng loob si Cara.

Samantala, nanatili namang tahimik si Hailey sa isyu. (­Rona Avecilla)