Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Cara ‘tumikim’ ng kapwa babae

0 77

NI: ROLDAN CASTRO

Palaban ang bagong alaga ni Jojo Veloso na si Cara Gonzales. Ilulunsad siya sa pelikulang ‘Pornstar2 Pangalawang Putok’ na showing sa Dec. 3 sa Vivamax.

Masusundan agad ito ng pinagbibidahan niyang movie na ‘Palitan’. Ipapalabas din siya sa Vivamax sa December 10 kasama sina Jela

Cuenca, Cara Gonzales, Luis Hontiveros, Rash Flores. Ito ay sa ilalim ng direksyon ni Brillante Mendoza.

Masuwerte ang apat na ito dahil dinirek sila ng isang international award winning director.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Ang ‘Palitan’ ay isang obra tungkol sa apat na taong pinagtagpo ng pag-ibig, pagkakaibigan at tawag ng laman. Ito ay isang upcoming GL (Girls love), sexy-thriller na pelikula. Gaganap na bisexual si Cara pero kinakasama niya si Luis.Muli silang magtatagpo sa probinsya ng isang tao na mula sa kanyang nakaraan . Ito ay ang tunay niyang pag-ibig na gagampanan ni Jela na pakakasal na kay Rash.

May eksenang mauuwi ito sa isang mainit at mapusok na gabi .

Mapangahas at sexy ang mga eksena ni Cara.

Abangan ang dagdag niyang kuwento dahil guest siya sa Friday, 7PM sa Tonite L na L na mapapanood live sa Abante Tonite Facebook Page Abante Radyo Tabloidista Facebook Page at YouTube channel.

Leave A Reply

Your email address will not be published.