Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Carabao health caravan

0 125

Milyun-milyong Pilipino ang nawalan ng trabaho dahil sa Covid-19 pandemic. Tourism sector ang higit na naapektuhan kasama na ang airline at hotel industries.

Hindi rin nakaligtas sa hagupit ng pandemya ang mga kababayan nating mangingisda at magsasaka. May financial assistance mula sa national government, pero hindi naman lahat sila nabigyan.

Dito sa aming bayan ng Tanza, Cavite, namahagi ng fishing net sa mga mangingisda na naapektuhan ng Covid-19 pandemic.

May tatlumpung magsasaka naman ang nabigyan ng sari-saring punla bilang panimula sa kanilang pagtatanim.

Ang good news, pati mga alagang kalabaw – isinailalim sa libreng checkup handog ng Carabao Health Caravan.

Related Posts
SM SuperKidsDay Banner Ad

Isa si Richard Cenizal sa mga magsasakang labis na naapektuhan ng pandemya. Dahil kapos sa budget, hindi na raw niya maipagamot ang alagang kalabaw.

Imbes kasi na ipagamot ang alaga, sa pamilya na lang daw niya inilalaan ang pera. Kaya labis ang pasasalamat niya sa free carabao health caravan ng Municipal Agriculture Office na pinondohan ng LGU Tanza.

Bahagi ito ng Livestock Development Program ng lokal na pamahalaan kung saan ipinapahiram ang kalabaw sa mga magsasaka para mapataas ang bilang ng mga hayop sa bayan at masigurong ligtas ang mga ito.

Ayon kay Jessica Ortiz, AI Bull Coordinator, Philippine Carabao Center, noon pa raw may ganitong klase ng programa pero pansamantalang nahinto dahil sa covid-19 pandemic.

Nagpapasalamat din ang Municipal Agriculture Office sa lokal na pamahalaan dahil sa suporta sa proyektong ito. Asahan pa raw na mas dadami pa ang makikinabang dito sa mga susunod na buwan. (with reports from Rachel Ferreria)

Leave A Reply

Your email address will not be published.