Abante Tonite Interactive

Carabao Island: Susunod na Boracay ng ‘Pinas?

0 322

Ang isla ng Boracay ang itinuturing na isa sa angat na tourist spot na dinadayo ng lokal at dayuhang turista sa Pilipinas, ngunit hindi papahuli ang Carabao Island na nagsusumikap maitayo bilang isang up-and-coming destination ng mga turista.

Ang buong isla, na kilala sa lokal bilang Hambil sa ila­lim ng pamamahala ng San Jose, Romblon ay sumasakop sa 2,205 ektarya na nagtatampok ng mga liblib na white-sand beaches at limestone formation na dodoble bilang isang daan sa iba pang mga liblib na kuweba.

“Our vision here in Isla de Carabao, while we cannot compete with Boracay, we strive hard to improve the island and if possible best Boracay on development and preparation of the island (for the influx of tourists),” pahayag ni San Jose Mayor Ronnie Samson sa panahon ng Carabao Island leg ng Department of Tourism (DOT) media familiarization tour sa Romblon noong nakaraang linggo.

Sa unang tatlong buwan ng 2019, ang pagdating ng mga turista sa lugar ng isla ay nakapagtala ng 30,000 mga bisita na hinigitan ang 17,000 turista na naitala noong 2018.

Maaring marating ang isla sa pamamagitan ng isang pump boat mula sa alinman na Tablas o Catic. (Mina Aquino)