Abante Tonite Interactive

Caram Player of the Week

92

‘Di 100 percent si Baser Amer, binuhat ni Anjo Caram ang Meralco sa krusyal na panalo laban sa NorthPort 103-89 at pinaypayan ng Bolts ang paghahabol sa top spot ng PBA Governors Cup.

Pasabog ng career-high 30 points si Caram, 11 of 15 mula sa floor at 4 for 6 sa 3-point range. Umiskor siya ng 16 sa fourth quarter para pantayan ang da­ting career-best.

“He really gave us a big lift and pretty much guided us to the victory,” ani coach Norman Black sa kanyang guard mula San Beda. “So I give him a lot of credit for leading­ the team. He knew going to the game that Baser was not 100 percent and Anjo came and really stepped up and made big shots for us.”

Iginawad sa 28-anyos­ na tubong Iloilo City ang PBA Press Corps-Cignal Player of the Week (Nov. 4-10).

Ayon kay chief statis­tician Fidel Mangonon III, sa 5-foot-6 ay naging pinakamaliit na PBA player si Caram na umiskor ng 30 sa isang game.

Itinulak ng career-game ni Caram ang Bolts sa five-game winning streak at 8-2 win-loss card overall, kabuhol ang NLEX sa unahan. (VE)