Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Carandang masaya sa Perlas

0 64

Enjoy sa kanyang team na Perlas Spikers si middle blocker Czarina ‘Cza’ Carandang na pumalo para sa katatapos na 2021 Premier Volleyball Open Conference sa Bacarra, Ilocos Norte.

Pebrero nang magdesisyon ang 23-anyos na dalagang balibolista na mag-pro para sa Perlas at ipagpaliban na ang kanyang huling taong paglalaro sa Far Eastern University Lady tamaraws lalo’t kanselado ang University Athletic Association of the Philippines sanhi ng pandemya.

“Hindi naman po ako gaanong nahirapan,” lahad ni Carandang sa Abante Sportalakan ni host Sarah Jireh Asido nitong Biyernes. “Parang in-enjoy ko lang po every moment. Si ate Tiammy (Nicole Anne Tiamzon) po nagsabi sakin na i-enjoy mo lang ang moment. Marami kang kaibigan, may bago kang team, may bagong pamilya.” (Janiel Abby Toralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.