Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Caravan ng pamana ni Duterte pinagdiwang ang Labor day

0 45

Ang National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) ay nakikiisa sa bayan sa pagkilala sa mga manggagawang Filipino ngayong ‘National Labor Day’ sa pamamagitan ng Duterte Legacy Caravan.

Binansagang “Pagkakaisa ng Mamamayan at Pamahalaan Tungo sa Pagbangon, Kapayapaan at Kaunlaran” isinagawa ang caravan sa EDSA People Power Monument at iikot sa iba’t ibang mga probinsiya.

Ayon kay NTF-ELCAC vice-chairman, National Security Adviser Secretary Hermogenes Esperon, ang pagdiriwang at ang caravan ay para maipakita ang mga nagawa at pagsisikap ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na gamitin ang “whole-of-nation approach” o ang pagsasama-sama ng lahat upang labanan ang terorismong dulot ng mga komunistang-terorista.

“Ito ang pamana ni Pangulong Duterte at regalo na dugtungan pa ng mga serbisyo publiko ang mga kababayan nating mga Filipino, lalo na ang hanay ng mga manggagawa na lagi niyang tinatanawan ng utang na loob dahil sa kanilang tulong sa ekonomiya ng bansa,”paliwanag ni Esperon.

Dagdag pa ng kalihim, naniniwala si Pangulong Duterte na ang kanyang ‘whole-of-government approach’ ang magsisilbi sa mga manggagawa at sa kanilang mga pamilya, maging sa komunidad na kanilang kinabibilangan.

Ito rin aniya ang nakapagbigay ng tunay na kapayapaan at kaayusan upang mapalaya sa mga karahasan ng Communist Party of the Philippines – New People’s Army – National Democratic Front (CPP-NPA-NDF).

Kasama sa pagdiriwang at iikot na caravan ang mga sangay ng pamahalaan gaya ng Department of Interior and Local Government (DILG), Department of Labor and Employment (DOLE), Department of Health (DoH), Department of Social Welfare and Development (DSWD), Department of Agriculture (DAR) at Technical Education and Skills Development Authority (TESDA).

Leave A Reply

Your email address will not be published.