Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Card ni Curry P28M halaga

0 133

Bumenta ng malaki ang The Goldin Auctions dahil kay National Basketball Association (NBA) star Stephen Curry ng Golden State Warriors.

Umabot sa mahigit $600K (₱28.8M) ang presyo ng 2009/2010 Panini National Treasures Century Gold Steph Curry Signed Patch Rookie Card.

Ito na ang pinakamahal na memorabilia ni Curry na nagdaan sa auction.

Naging mataas ang halaga ng rookie card niya dahil sa maayos pang kalagayan nito. Halos perfect 10 pa kung titingnan. (Sarah Jireh Asido)

Leave A Reply

Your email address will not be published.