Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Cardel paramdam na paalis sa Dyip

0 142

May paramdam ng pamamaalam si Johnedel Cardel sa kanyang players.

Aminado ang Terrafirma coach na nanganganib ang kanyang trabaho lalo’t napatalsik na sila sa 45th PBA 2020 Philippine Cup elims bubble sa Clark, Angeles, Pampanga.

Inalat pa nang malagasan ng isang key player sa katauhan ni Rashawn McCarthy na nabasag ang ilong nang aksidenteng matamaan ni Aaron Black sa 95-93 loss Meralco nitong Linggo.

Pero sinisikap ni Cardel na maging positibo at maayos pa ring gabayan ang kanyang mga batang manlalaro.

SM food to go Banner Ad

“Sinabi nga sa akin na sobrang desperate ang mga player, especially si CJ (Perez) to win a game. Among the players, siya ang gusto talagang manalo para sa coach. Medyo mainit na nga kasi ang management,” ani Cardel.

“ I do really appreciate that, but ganoon talaga, ako ang coach kaya ang talo sa akin. I will be honest to myself, kung hindi na ako ang coach next conference. I am honest, mas gusto ko sa mga player ko matuto. More than one year na rin kami na hindi nananalo. Kailangan lang learning process, more skills kasi very coachable mga bata. Hindi mo lang maituturo ang puso. Kahit bata sila kapag bumigay ang puso, hindi mo matatawaran ang puso,” litanya niya.

“Si CJ mismo lumapit sa akin na nahihiya siya at nagsabi na basta mananalo tayo para sa iyo. Sinabihan ko siya na siya na ang lider sa team. Basta be a leader inside, ikaw na ang titingnan diyan at ikaw ang magdadala. Iikaw na si Michael Jordan, Kobe Bryant at LeBron James diyan so keep involving your player,” hirit ni Cardel.

“Magaling ka na, pagalingin mo sila. Tulungan mo silang humusay tulad sa iyo at turuan mo silang maging isang team. Matutunan lang nila lahat iyan ay sigurado akong tatagal silang lahat dito sa PBA,” wakas niya. (Lito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.