Abante Tonite Interactive

Cardema aburido, binully si Guanzon

484

Muling nakatanggap ng pagbabanta sa pamamagitan ng text message si Commission on Elections Commissioner Rowena Guanzon, at sa pagkakataon ito, tinukoy na niyang ang first nominee ng Duterte Youth party-list na si dating National Youth Commissioner Ronald Cardema ang may pakana.

Kahapon ipinakita ni Guazon sa kanyang Twitter account ang natanggap na text kung saan nakasaad na: ““NAGMAMALINIS KA PA IKAW DIN ANG MAY GAWA. ..SATANAS!” na sinagot ni Guazon ng: @RonaldCardema you will still deny this is from your gang of thugs?

Magugunita na noong Hul­yo, ibinunyag din ng Comelec commissioner na nakakatanggap siya ng mga threat sa text bagama’t hindi niya tinukoy kung sino ang kanyang pinaghihinalaang may gawa nito.

Naniniwala noon si Guanzon na bahagi ito ng “smear campaign” na kagagawan ng Duterte Youth party-list.

‘Kapag inipit mo pa din kame at di pa din kame nakaupo ilalabas namin part 2 ng series mo at papakasohan ka pa namen’. Ito ang unang pagbabanta na natanggap ni Guanzon noong nakaraang mga buwan bagama’t hindi nito sinabi kung sino ang nagpapadala ng text
Ngunit sa pinakahuling text threat, sinagot na ito ng komisyuner at tinukoy na ga­ling ito kay Cardema.

Nauna dito, tinanggal na ng Comelec bilang first nominee ng Duterte Youth party-list si Cardema.

Inaprubahan ng Comelec ang petisyon laban kay Cardema dahil sa pagiging gurang na kinatawan ng youth party-list na dapat ay 30-anyos lamang ang limit pero 34 na ang dating NYC official.

Kapwa bumoto pabor sa petisyon sina Commissioner Guanzon at Marlon Casquejo habang nasa official business naman si Commissioner Al Parreño.
Matatandaan na noong Mayo 12, isang araw bago ang eleksyon, nag-resign ang limang nominee ng party-list dahil sa pagkatakot umano sa mga makakaliwang grupo at ipinasok ang pangalan ni Cardema bilang first nominee.

Subalit binaha siya ng reklamo at petisyon para sa disqualification. Sa mga nakaraang pagdinig, inamin mismo ng abogado ni Cardema na overaged na ito at hindi rin professional.