Abante Tonite Interactive

Cardema pinahamak ng sariling abogado

1,264

Hindi kuwalipikado para maging kinatawan ng youth sector o kahit mga propesyonal si Duterte Youth party-list nominee Ronald Cardema.

Inamin ng mismong abogado ni Cardema sa en banc hearing ng Commission on Elections (Comelec) nitong Miyerkoles na hindi rin college graduate ang kanyang kliyente.

Sa hearing ng disqualification case ni Cardema, ginisa ni Commissioner Rowena Guanzon si Atty. Rani Angeli Supnet hinggil sa eligibility ng kanyang kliyente.

Doon ay sinabi ni Supnet na dahil 34-anyos na si Cardema, hindi na ito kuwalipikadong maging youth sector representative. Binanggit din ng abogado na hindi professional ang kanyang kliyente kundi advocate lamang ng mga professional.

“He did not graduate from college,” pag-amin pa ng abogado.