Abante Tonite Interactive

Cardema puwedeng kasuhan sa panunuhol

257

Maaaring kasuhan ng graft ang diniskuwalipikang Duterte Youth Party-list nominee na si Ronald Cardema, kahit binawi na nito ang kanyang nominasyon, ayon kay party-list Cong. Arlene Brosas ng Gabriela.

“Yes, puwede pa rin siya makasuhan,” sabi ni Brosas.

Ayon kay Brosas, lalong idiniin ni Cardema ang kanyang sarili nang aminin nito na isang beteranang lady solon ang umano’y tumulong at nagsilbi niyang ‘bagwoman’ para ideliber ang umano’y P2 milyong bribe mone­y kay Commissioner Rowena Guanzon ng Commission on Elections (Comelec) kapalit ng pagboto na pabor sa kanyang accredidation sa Duterte Youth.

Pinag-aaralan din ni Brosas at ibang pang miyembro ng Makaba­yan bloc kung itutuloy nila ang kaso laban kay Cardema bagama’t may karapatan umano ang sinuman na kasuhan ang dating kinatawan ng National Youth Commission (NYC) sa anumang korte sa bansa.

Tuluyan nang binawi ni Cardema ang kanyang pangarap na ma­ging mambabatas makaraang ma-disqualify noong nakaraang buwan dahil sa kanyang kuwestiyunableng kuwa­lipikasyon bilang nominado ng Duterte Youth. (JC Cahinhinan)