Abante Tonite Interactive

Cardinal Tagle naiyak sa huling misa

387

Hindi na napigil ni Manila Archbishop Cardinal Antonio Tagle ang maging emosyunal matapos ang kanyang huling misa kamakalawa ng gabi sa Archdiocesan Shrine of Santo Niño sa Tondo, Maynila bago umalis papuntang Vatican para sa kanyang bagong tungkulin bilang isang ‘Red Pope’.

Inamin ni Tagle na isa itong mahirap na dilemma sa kanya dahil hindi malinaw ang kanyang hinaharap at hiniling niya sa mga Katoliko na siya ay ipagdasal.

“Sana po ay ipanala­ngin niyo hindi lang ako, ipanalangin ninyo po si Pope Francis at ipanala­ngin po natin ang mga Simbahan sa iba’t ibang bahagi ng mundo na dumaranas ng napakala­king pagsubok,” ayon kay Tagle.

Nabatid na ang Red Pope ay katumbas ng posisyon ng cabinet secretary sa Roman Pontiff.

Sa kanyang homily, sinabi ni Tagle na huwag palitan ng ibang hari ang Diyos. Huwag palitan ng ibang hari ang Sto. Niño na siyang nagdadala talaga ng tunay na ka­galingan, paghihilom at tagumpay sa kasalanan at kamatayan.

Ipinagdasal rin ni Tagle ang lahat ng mga naapektuhan ng pagsabog ng Bulkan Taal sa Batangas. (Juliet de Loza-Cudia)