Abante Tonite Interactive

Cardinal Tagle pumunta na sa Roma

157

Umalis na ­patungong Roma si Manila Archbishop Luis ­Antonio Cardinal Tagle ­nitong ­Linggo nang gabi para gampanan ang ­panibagong misyong ­ibinigay sa kanya ni Pope Francis sa Vatican.

Sanhi nito, ­tuluyan nang nabakante ang posisyon ni Tagle ­bilang arsobispo ng Arch­diocese of Manila, na ­siyam na taon din ­niyang pinagsilbihan.

Nalaman na alas-10:00 ng gabi nang lisanin ni Tagle ang Maynila at nagtungo sa Vatican para sa kanyang bagong misyon bilang bagong Prefect of the Congregation for the Evangelization of Peoples.

“Work starts for me this week at the Congre­gation. It was an honor and ­blessing to have known you and collaborated with you. I will always treasure my time with you,” ayon kay Tagle, na siyang ika-32 arsobispo ng archdiocese, at kasalukuyan ring pangulo ng Caritas ­Internationalis at Catholic Biblical Foundation.

Nabatid na nagsagawa muna ng isang ­banal na misa si Tagle sa Manila ­Cathedral, sa Intramuros na ­kanya nang huling misa ­bilang arsobispo ng Maynila. (Juliet de ­Loza-Cudia)