Abante Tonite Interactive

Cardo buhay pa rin!

671

May sa pusa talaga!
Sinaksak, nabuwal, sabay niratrat ni Bungo (Baron Geisler) si Cardo Dalisay (Coco Martin). Isinugod sa ospital at naging kritikal. Kinailangang salinan ng dugo. Lahat ay nag-alala, nag-alay ng dasal, at ang iba ay sinasabing imposible na nga siyang mabuhay. Pero iba talaga si Cardo.

Dumilat na nga ulit si Cardo, at nabuhayan ang loyal viewers ng teleseryeng “Ang Probinsyano” nitong Biyernes. Mula sa ICU ay nailipat na siya sa kuwarto upang makausap ng mga kapamilya. Bigo si Bungo, gaya ng ibang mga nagtangka na sa karakter ni Coco.

Bumuhos naman sa social media ang iba’t ibang reaksyon sa episode kagabi.
Mary Grace Dela Cruz-Bonus: “Immortal nga! (LOL emoticon).”

Lovefrances: “With Cardo Dalisay being stabbed and shot many times but still alive..that is a manifestation that with GOD ..nothing is impossible.”

Chour: “U DO NOTE DA CARDO DALISAY! IS DA CARDO DALISAY IS IMMORTALITY!!!”
Edith Calayag Estrella: “my nmtay n b n bida ung klaban 1 tma lng ng baril patay n c cardo tnadtad n ng bala my sak2 p buhay p dn bka naisalin n pe2 ung agimat nya ky cardo.”

Ysbllbiancakes: “aaaaaAaaa Cardo Dalisay once told us that we need to be strong despite all the challenges and struggles that we have faced in our lives.” (Jun Lopez)