Abante Tonite
Mabilis sa Balita

‘Cardo Dalisay’ bilang na ang araw

0 1,664

Naging panauhin si Angel Aquino sa online show ni G3 San Diego kung saan natanong siya sa mga kaganapan ng kanyang ginagawang teleseryeng “FPJ’s Ang Probinsyano.”

Isa sa mga tanong ni G3 kay Angel ay kung kailan magtatapos ang longest running action series ng Kapamilya network kung saan kasama siya sa cast bilang General Diana Olegario.

Medyo nasorpresa si San Diego sa kanyang naging sagot kasama na ang co-guests na sina Iya Villania-Arellano at Chesca Garcia Kramer.

“Well, we’re scheduled for our ‘ultimate last lock-in’ but we still don’t know that, we don’t know if they’ll change their minds,”sey ni Angel.

Hindi naman napigilang magkomento ni Iya sa pahayag ni Angel at inurot ang aktres ng : “Totoo ba yan? Last na ba talaga yan?”

Dahil sa tila pagkakadulas, bumawi naman si Angel sa kanyang sumunod na sagot na: “Di nga natin alam. But we’ll see. We’re, yung lahat ng, kami, naka-ending mode na kami, but then we still don’t know. We don’t know if ABS will decide to extend the show.”

Dahil sa komento ni Angel, hindi maiwasang magkaroon ng haka-haka ang mga netizen na nabibilang na talaga umano ang mga araw ni Cardo Dalisay, ang iconic character na ginagampanan ni Coco Martin.

Dati nang natsika noon na Setyembre ngayong taon magtatapos ang nasabing serye na inspired sa FPJ classic na may parehong titulo.

Nagkaroon ito ng ibang version at may sources na nagsasabing sa Hulyo na ito magtatapos .

Willie babalik sa pag-arte

Maraming espekulasyon ang nagsulputan nang mag-viral ang photo ni John Lloyd Cruz kasama sina Willie Revillame, Cathy Garcia Molina (favorite box-office director ni Lloydie), Star Cinema producer Malou Santos, Direk Bobot Mortiz.

Kanya-kanyang namang hula ng mga netizen sa pagiging visible na naman ni Lloydie these days pagkatapos na ianunsyo ng Crown Artist Management ni Maja Salvador ang kanyang pagbabalik sa limelight.

Anila, malamang na after Servando Magdamag ni Lav Diaz, ito na raw ang next project ni Lloydie at pagbabalik sa mainstream commercial movies.

May mga nag-opinyon naman na babalik na rin sa pag-arte ang Wowowin host na si Willie lalo pa’t matagal na rin siyang nagpahinga sa acting.

Anila, kung Bea-John Lloyd movie ito, perfect acting comeback vehicle raw ito kay Willie na matagal na ring na-miss ang acting.

Related Posts

Iba naman ang paniniwala ng ilan.

Malamang daw ay nag-ocular lamang sina Direk Cathy, JL at Malou Santos sa resort ni Willie na gagawin nilang venue ng shoot ng movie.

Sey naman ng iba, baka raw pasukin na rin nito ang pagproprodyus ng pelikula kung saan isa siya sososyo sa movie ni JLC.

Nikko buking ang pagloloko sa esmi

Sa online version ng It’s Showtime, naibahagi ni Nikko Natividad na balak niyang gumawa ng libro tungkol sa kanyang buhay.

Ang magiging laman daw ng nasabing libro ay tungkol sa kanyang makulay na pakikipagsapalaran.

Ito raw ay tatawagin niyang “dakota tragedy.”

Marami nang kabekihan na curious sa magiging confession ng dancer-actor kung sakaling matutuloy ang pagsusulat nito ng kanyang talambuhay.

Speaking of Nikko, sa kanyang panayam naman sa “Magandang Buhay”, inamin niya na minsan na siyang nag-cheat sa kanyang non-showbiz partner na si Cielo Mae Eusebio.

Ani Nikko, caught in the act daw siya ang partner at hindi naman niya ito nagawang i-deny.

Naging daan din daw ito para i-assess niya ang buhay niya para maging mabuting tao.

Dagdag pa niya, sa showbiz daw ay nagkalat ang tukso pero hindi naman ito sapat na dahilan na magiging unfaithful ang isang artista sa kanyang partner.

Sa ngayon, gusto raw niyang protektahan ang relasyon nila ni Cielo na naging kasangga niya sa marami niyang pagsubok sa buhay.

“Hindi na ako magsisinungaling. Inamin ko ‘yun sa vlog namin na TikTok. Nagloko ako sa kaniya isang beses. At sabi ko nga, nagpapasalamat ako sa Diyos na ‘yung unang pagloloko ko sa kaniya, nahuli niya agad ako. Buti pala nahuli niya agad ako. Kasi kung hindi niya ako nahuli, uulit ulitin ko ‘to eh. ‘Di ba? Dahil na-try mo na eh. Inamin ko sa kaniya. Sabi ko, nagkamali ako. Buti na lang, maaga pa lang nagkamali na ako. Naitama ko agad. Pinatawad niya ako. Parang sabi niya huwag mo nang ulitin kasi lahat ng pag-aawayan natin mapag-uusapan, pero kapag may pumasok na na ibang tao, ‘di na raw niya kakayanin,” aniya.

“Sobrang basic niya pero malalim ‘yun ‘di ba. Ako hindi ako nagbubuhat ng bangko. Lalo sa celebrity, may mga babae diyan na pumapatol sa lalaki kahit alam nilang may karelasyon. Maraming nagme-message po na, okay lang kahit may asawa ka, may girlfriend ka, kahit tago. Sabi ko, labanan lang ng focus ‘yan. ‘Wag magpapatukso. ‘Yun lang po talaga, at siyempre takot sa Diyos,” pahayag ni Nikko.

Leave A Reply

Your email address will not be published.