Abante Tonite Interactive

Career-high 61 pts pinantayan ni Harden

460

Parang mahirap na puzzle si James Harden, kahit ang mastermind na tulad ni Gregg Popovich ay walang mahanap na solusyon para pigilan ang reigning MVP.
Ayon sa San Antonio Spurs coach, wala pa raw nakakatuklas ng paraan para pigilan ang Houston Rockets star.

Ganito rin ang suma ng laro nitong Biyernes, hindi umubra ang traps at zones ng Spurs para i-slow down si Harden. Kulang na lang, sampayan na siya sa likod.

Lamang ng anim ang Spurs 4 minutes pa sa laro, nagpasabog si Harden­ ng 13 points sa loob ng higit 2 minutes para gasolinahan ang Rockets sa 111-105 win.

Tumapos si Harden ng 61 points, kapantay ng kanyang career-high.

Sa huling dalawang laro, nagtipon ang The Beard ng 118 points. Sa pangatlong pagkakataon ngayong season ay naka-50 o higit pa siya sa magkasunod na laro – sumusunod sa yapak ni Wilt Chamberlain.

Sino ang makakapigil kay Harden?

“Me,” salo ni Houston coach Mike D’Antoni. “I can sit him on the bench.”
Umiskor si Harden ng 27 sa first quarter bago muling nag-deliver sa dulo.
Naiiwan ang Rockets 100-94, sinagasa lahat ni Harden ang puntos ng Rockets sa pamatay na 13-2 run – tatlong kabit na 3-pointers at dalawang pahirapang jumpers.

Umahon ang Spurs mula 15-point deficit sa half para ibuhol ang laro sa 81 papasok ng fourth.

Tumapos si Harden ng 9 for 13 mula sa labas ng arc, 19 of 34 sa field at 14 of 17 sa free throw line.

“He’s been remarka­ble. You’ve got to tip your hats to him,” saludo ni DeMar DeRozan kay Harden. “When a guy guets going like that, it’s tough to slow him down.”

Nanguna ang 20 points ni Bryn Forbes sa San Antonio, may 18 si Derrick White at tumapos si DeRozan ng 16. (VE)