Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Caregiver lumundag mula 8th floor

0 253

Basag ang bungo at nalasog ang katawan ng isang caregiver matapos lumagapak mula sa ikawalong palapag ng isang gusali sa Tondo, Maynila.

Namatay noon din ang 53-anyos na stay-in caregiver kung saan patihaya itong bumagsak.

Sa imbestigasyon ni PCpl. Arvin Bautista, ng Manila Police District-homicide section, naganap ang insidente alas-5:40 ng umaga sa nabanggit na lugar.

Huli umanong nakitang buhay ang biktima ng kanyang katrabaho alas-8:30 ng gabi habang kausap sa cellphone ang anak niyang lalaki.

Ayon sa nakakakilala sa biktima, matagal na umano nitong iniinda ang kanyang likuran bukod pa sa iba pa nitong sakit at di lang makapunta sa doktor dahil sa COVID-19.

Patuloy na iniimbesigahan kung may foul play sa pagkamatay ng caregiver. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.