Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Caregiver ninakawan, kelot nalambat

0 253

Nadakma ng Masambong Police Station (PS 2) ng Quezon City Police District (QCPD) ang isa sa dalawang suspek sa pagnanakaw at tangkang pananamantala sa 18-anyos na caregiver sa isang follow-up operation sa Brgy. Sta. Cruz, Quezon City nitong Lunes.

Kinilala ng QCPD ang suspek na si John David Pingol, 33-anyos, at residente ng West Riverside, Brgy. Damayan, habang tinutugis pa ang nakatakas nitong kasamahan.

Batay sa report ni P/Lt. Col. Ritchie Claravall, Station Commander ng PS 2, dakong alas-3:00, kamakalawa ng madaling-araw nang looban ng suspek ang tahanan sa Abad St., Brgy. Sta. Cruz, habang mahimbing na natutulog ang mga nakatira sa bahay.

Nakapasok si Pingol sa loob ng bahay sa pamamagitan umano ng pag-akyat sa bintana habang ang isa pang suspek ay naghihintay sa labas at nagsilbing lookout.

SM food to go Banner Ad

Nagising ang caregiver nang hawakan ni Pingol ang kanyang hita at maselang bahagi ng katawan. Tinutukan ng baril ang dalaga saka kinaladkad sa loob ng banyo upang doon patuloy na manyakin ng suspek.

Pero nang manlaban at magsisigaw ang caregiver ay nilimas na lang ni Pingol ang pera nito at tumakas tangay ang iba pang nakulimbat sa loob ng bahay saka sumakay sa nakaabang na motorsiklo na mabilis na pinasibad ng naghihintay na kasamahan.

Nakumpiska mula sa suspek ang isang caliber .38 pistol revolver na may lamang apat na bala.

Inihahanda na ang kasong robbery, attempted rape, at paglabag sa Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act laban kay Pingol. (Dolly Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.