Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Caretaker dinakma sa raket na droga

0 72

Arestado ng mga operatiba ng Manila Police District (MPD) ang isang catetaker sa Manila North Cemetery na suma-sideline sa pagtutulak ng iligal na droga sa isinagawang buy bust operation kahapon ng umaga sa Sta. Cruz, Maynila.

Kinilala ni PLt. Col John Guiagui, station commander ng MPD-Police Station 3, ang suspek na si Ricardo Castell y Cervantes alyas” Ricky,” 40, caretaker sa sementeryo, kaanib ng Sputnik Gang at taga-1st St., Manila North Cemetery sa Sta. Cruz.

SM food to go Banner Ad

Nabatid na alas-9:00 ng umaga nang ikasa nila P/Cpt. Pidencio Saballo, ng Station Anti- Illegal Drug Enforcement unit ang buy bust operation.

Nang maibigay ng poseur buyer ang P500 marked money ay saka inaresto ang suspek at nakumpiska sa kanya ang apat na sachet ng shabu na may street value na P61,200.00.

Nakatakda ngayong sampahan sa Manila Prosecutors Office ng kasong paglabag sa Sec. 11 ng RA9165 kilala bilang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 ang suspek. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.