Abante Tonite Interactive

Caretaker nalunod sa Laguna fish pond

178

Patay ang isang caretaker ng fish pond matapos na malaglag at malunod sa lawa sa San Pablo City, Laguna kamakalawa nang umaga.

Kinilala ang biktima na si Jimmy Teodoro, 50-anyos, residente ng Brgy. Concepcion sa nasabing lungsod.

Batay sa imbestigasyon ng San Pablo City police, nagpapakain umano ng mga isda ang biktima sa fish pond sa gitna ng Sampaloc Lake nang mawalan ito ng panimbang at mahulog mula sa sinasakyang bangka at tuluyang lumubog sa tubig.

Agad nagsagawa ng rescue operation ang mga miyembro ng San Pablo City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO) at isinugod sa ospital ang biktima suba­lit idineklara na itong dead-on-arrival ng doktor.