Abante Tonite Interactive

Caretaker ng quarry site sa Bacolod tinumba

267

Pinahirapan muna bago brutal na pinatay ang isang 29-anyos na lalaki sa binabantayan nitong quarry site sa Barangay Alangilan, Bacolod City Linggo nang umaga.

Pasado alas-sais ng umaga nang madiskubre ang bangkay ng biktimang nakilalang si Ryan Delgado, caretaker ng isang quarry site sa Sitio Arceo sa nasabing barangay.

Napag-alaman na mayroon itong dalawang tama ng bala sa ulo at isa sa dibdib habang nakagapos ng patalikod ang dalawang kamay ng matagpuan ang bangkay nito na nakasuot lamang ng brief.

Natagpuan naman hindi kalayuan sa bangkay ng biktima ang isang flashlight na gamit umano nito sa kanyang pag-iikot sa paligid ng quarry site tuwing gabi.

Sa ngayon ay wala pang malinaw na suspek at motibo ang pulisya kung sino ang responsable sa krimen. (Edwin Balasa)