Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Caretaker patay sa lumiyab na bahay

0 86

Nasawi ang isang 57-anyos na caretaker habang sugatan ang kanyang anak matapos na masunog ang binabantayan nilang bahay sa Cabanatuan City kahapon ng madaling-araw.

Ayon sa report, narekober ang sunog na bangkay ni Enrique Santos Jr., sa loob ng banyo ng binabantayan nitong bahay sa Villa Luz Subd. sa Brgy. Mabini, Cabanatuan City.

Dinala naman sa Paulino J. Garcia Memorial Research and Medical Center ang anak niyang si Joyce dahil sa tinamong mga sugat at paso sa katawan.

SM food to go Banner Ad

Nagsimulang lumiyab ang bahay na pag-aari ni Luzviminda Seki ganap na ala-1:00 ng madaling-araw at agad ding nakontrol pagkalipas ng 20 minuto.

Iniimbestigahan pa ng Bureau of Fire Protection ang dahilan ng sunog.

Leave A Reply

Your email address will not be published.