Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Cariaso ‘basted’ kay Manuel

0 77

HINDI umubra ang panliligaw ni Alaska coach Jeffrey Cariaso kay Vic Manuel dahil desidido pa rin ang player na layasan ang Aces at mai-trade sa ibang koponan.

Walang nagawa ang pakikipag-usap kahapon ni Cariaso sa 6-foot-4 bruiser at nanindigan itong magpa-trade na lang matapos hindi magustuhan ang isang-taon lang na bagong kontrata na inihain ng Alaska.

“Ayoko na talaga maglaro sa Alaska,” diin ng Alaska top scorer sa nagdaang PBA Philippine Cup bubble tournament sa Clark, Pampanga.

Una nang iginiit ni Cariaso na wala silang balak na pakawalan si Vic kaya lahat ay ginawa niya para hindi mag-alsa balutan ang manlalaro.

SM food to go Banner Ad

“It’s no question that Vic is our number one priority to re-sign,” paliwanag ni Cariaso.

Sa kasamaang palad, hindi nagbago ng isip ang Alaska forward.

Ikinagulat ni Cariaso ang naging sentimyento ni Manuel na umano’y isang taong kontrata lamang na may parehong termino ang iniaalok sa manlalaro.

Ipinaliwanag ni Cariaso na una nang inihain kay Manuel ang dalawang taong kontrata ni Alaska Aces team governor Richard Bachmann at kanila din inilatag sa kanilang unang pakikipag-usap sa kampo ni Manuel. (Lito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.