Abante Tonite Interactive

Cariaso may homework sa mga player

610

Nagpasimula si Alaska head coach Jeffrey Cariaso ng isang bagong challenge upang mapanatili ang kondisyon ng buong Alaska Aces team habang hinihintay ang pagbabalik ng kanilang mga laro matapos na magdeklara ang PBA ng indefinite suspension dahil sa biglaang paglawak ng nakamamatay na Coronavirus Disease 2019 o COVID-19.

Nagpost si Aces head coach Jeff Cariaso sa kanyang Instagram na @thejet_22 ng pagpapasimula nito sa #HomeWorkoutChallenge para sa kanyang koponan kung saan agad naman na sinunod ng kanyang mga player upang mapanatili ang kanilang kondisyon para sa pagbabalik ng mga laro ng liga.

Makikita si Cariaso sa kanyang post na gamit ang threadmill para sa pagpapakondisyon habang kanyang itinag ang mga manlalaro para tanggapin ang challenge na magbibigay dito ng aktibidad matapos na magdeklara ang PBA ng dalawang lingo na break mula sa pag-eensasyo bilang protective measure kontra sa coronavirus.

Una nang ipinagbawal ng PBA sa lahat ng mga koponan ang pagsasagawa ng ensayo simula noong Sabado bilang precautionary measure nito sa paglaganap ng COVID-19.

Isang memo ang ipinadala nito sa lahat ng koponan noong Biyernes na nagbabawal sa lahat ng koponan para sa mga ensayo pati na rin sa scrimmage at iba pang team-related activity. (Lito Oredo)

Tonite – Wendys Inhouse Ad