Abante Tonite Interactive

Carino, 2 pa karera sa ika-2 panalo

By
1,063

Parehong lumasap ng panalo sina Macky Carino at Arnold Laniog sa kanilang unang salang bilang coaches sa 93rd NCAA women’s indoor volleyball tournament.

Ginabayan ni Carino ang University Perpetual Help sa paghakbang sa Lyceum of the Philippines University, 25-21, 25-17, 25-22 noong Linggo habang si Laniog ang gumabay sa College of Saint Benilde nang idemolis din sa tatlong sets ang Colegio de San Juan de Letran, 25-22, 25-11, 25-20.

Pakay nina Carino at Laniog na sumungkit ng pangalawang sunod na panalo nga­yong araw sa FilOil Flying V Centre sa San Juan City.

May kartang 1-0 card ang Perpetual Help at St. Benilde haharapin nila ang San Beda, (12:30 p.m.) at Lady Pirates (11:00 a.m.), ayon sa pagkakasunod.

“We’ve set big goals for this year but initially, we want to make it to the Final Four first,” hayag ni Carino.

Sakaling manalo ang Lady Altas at Lady Blazers, sasaluhan nila sa top spot ng team standings ang defen­ding champion Arellano University.

Inaasahang mapapalaban ang Perpetual sa Lady Red Spikers na puntirya rin na siluhin ang malinis na dalawang panalo.

“We’re preparing for a tough match because San Beda is a veteran team,” ani Carino.