Abante Tonite Interactive

Cariño pinulikat, Oranza nagtae out na sa Stage 2

304

Tiyak na magkakaroon ng bagong kampeon sa nagaganap na five-stage Category 2.2 event cycling marathon, 10th edition ng Le Tour de Filipinas 2019.

Ito’y tapos ‘di umabot sina reigning champion­ El Joshua Cariño at teammate Ronald Oranza ng Philippine cycling team sa cut off time.

Ayon kay national coach Reinhard Gorantes, pinulikat sina Cariño at Oranza sa akyatin bandang Talisay sa Batangas.

Bukod sa pulikat ay may iba pang nararamdaman si 2018 Ronda Pilipinas champion Oranza kaya ‘di naging maganda ang resulta sa 129.5km Stage 1 Biyernes.

Sinabi ni Oranza na nagtae siya nakaraan at ‘di pa nakaka-recover.

Kaya naman sina Jan Paul Morales, Junrey Navarra at Jhon Mark Camingao na lang ang papadyak para sa National team sa Stage 2 na may 194.90-km na magsisimula sa Pagbilao, Quezon at matatapos sa Daet, Camarines, Norte.

Si Jeroen Meijers ng Taiyuan Miogee Cycling Team ang sumilo ng unang Stage. (Elech Dawa)