Abante Tonite Interactive

Caritas Health Shield pinatigil sa negosyo

275

Pinagbawalan ng Insurance Commission (IC) ang health maintenance organization (HMO) na Caritas Health Shield Inc. sa pagbebenta ng mga proldukto nito at makipagtransaksyon sa mga negosyo.

Rehistrado ang Caritas Health Shield noong 2007 at dapat sana ay epektibo pa rin ito hanggang ngayon.

Pero binawi ng IC ang authorization ng Caritas Health Shield para magbenta ng kanilang mga produkto dahil umano sa panlilinlang sa mga ahente nito.
Pero nilinaw ng IC na tungkulin pa rin ng kompanya na magbigay ng serbisyo sa mga nakabili na ng produkto nito.

Sabi ni Insurance Commissioner Dennis Funa, magtatalaga ang komisyon ng overseer ng Caritas Health Shield na magmo-monitor at titiyaking hindi mapuputol ang pagseserbisyo ng kompanya sa mga nabentahan na ng produkto.

Sabi ni Funa, agad epektibo ang cease and desist order sa Caritas Health Shield na inisyu noong Hulyo 8 at babawiin lang ito sa oras na maayos ng kompanya ang problema sa “swiping of credit/debit cards and misrepresentations” na ginagawa ng mga ahente nito. (Eileen Mencias)