Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Carjacker Dominguez nasa NBP isolation area – Guevarra

0 509

Nilinaw ng Bureau of Corrections (BuCor) kay Department of Justice (DOJ) Secretary Menardo Guevarra na buhay pa subalit nasa isolation area ng New Bilibid Prisons (NBP) sa Muntinlupa City ang dating carjack syndicate boss na si Raymond Dominguez.

Nakatanggap umano si Guevarra ng text message mula kay BuCor spokesperson Gabriel Chaclag kung saan sinabi nito sa kanya na buhay si Dominguez at nasa isolation area ng NBP dahil sa sakit nitong chronic asthma.

Inihayag ito ng DOJ matapos mapabalitang pumanaw na rin umano si Dominguez dahil sa COVID-19.

Kasunod ito ng pagpanaw ng iba pang high-profile inmate sa NBP na sinasabing dahil sa COVID-19.

“BuCor Spox Gabriel Chaclag has sent me a message that Raymond Dominguez is still alive and that he is in the NBP isolation area with chronic asthma symptoms,” paglilinaw ni Guevarra.

Leave A Reply

Your email address will not be published.