Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Carl Balita bago ang tahanan sa SMNI

0 176

Ang kaalaman sa negosyo ay hindi pinagdadamot ni Dr Carl Balita. 20 taon niya itong ibinahagi sa pamamagitan ng radio at television show niya sa DZMM, ang Radyo Negosyo.

Naniniwala kasi siyang sa pamamagitan ng pagnenegosyo, bubuti ang buhay ng karamihan. Isa ito sa ibinabahagi niya sa bagong show na EntrePinoy Revolution matutunghayan sa bagong tahanan niya, ang Sonshine Media Network International (SMNI) na mapapanood simula ngayong Biyernes, 4:30-5:30 p.m..

Hirit ni Doc Carl na ang EntrePinoy Revolution ay victories at lessons ng microenterprises sa pamamagitan ng mga ibinahaging experiences at inspirasyon ng mga nagtagumpay na sa negosyo. Ilan nga sa mga nabanggit ng dating host ng Radyo Negosyo sa DZMM, gusto niyang imbitahan ang mga celebrity na nagtagumpay sa kani-kanilang negosyo.

“Puwede nating imbitahan sina Judy Ann Santos, Marvin Agustin, Coco Martin, Kris Aquino na mayroong franchise ng Chowking, James Reid at iyong partner niyang si James din para mai-share nila ang ilang secrets para magtagumpay sa negosyo,” lahad niya.

“Si Marvin gusto nating malaman kung paano siya nakabawi roon sa nangyari sa kanyang Cuchinillo.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“Ang show na ito ay parang buffet table na maraming mapag-uusapan,” bulalas pa ni Dr. Carl.

Ang EntrePinoy Revolution ay may mga iba’t ibang segment na tiyak makatutulong tulad ng NegosYOU, Grow Negosyo, Kalye Negosyo, at SalaPinoy.
Sambit ni Dr. Carl ang mga ito’y makai-inspire at magpapalakas sa mga may kagustuhang magnegosyo at mga nagnanais maibahagi ang kanilang kaalaman sa pagnenegosyo.

“EntrePinoy integrates and links services of government and other NGOs and group to help the entrepreneurs grow their business. It also features on financial literary and entrepreneurial growth mind-setting for Filipinos in general,” sambit pa ni tinaguriang EntrePinoy Guru.

Sa mga interesadong magnegosyo, tumutok lang sa EntrePinoy Revolution para tiyak ang tagumpay.

Leave A Reply

Your email address will not be published.