Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Carla 3 beses nagpaalam sa GMA

0 184

Tatlong beses palang nagpaalam si Carla Abellana sa GMA-7 para bumiyahe patungong Amerika . Bibilhin niya ang kanyang dream wedding dress sa kanyang favorite designer.

Pero dalawang beses daw siyang na-reject and finally sa pangatlong attempt ay napayagan na raw siya.

Sa latest vlog ni Carla titled “Countdown to the Wedding 2” ay ibinahagi ng aktres ang proseso ng pagbili niya ng wedding gown. Naging emosyonal nga ang future wife ni Tom Rodriguez nang finally ay matanggap niya ang go-signal mula sa GMA noong Marso na pwede na siyang lumipad.

Ayon kay Carla, isang malaking milagro nga raw na pinayagan na siya finally na makaalis.

“It’s a miracle because I think that was already my third attempt to ask for permission and consideration or reconsideration to fly. But yeah, the first two times, talagang na-reject ‘yung aking leave, ‘yung aking pagpapaalam.

“So, it’s really a miracle. I consider it a miracle because nagkaroon ng hindi lang change of heart but change of mind,” teary-eyed na kwento ni Carla sa video na kinunan niya last March.

Para raw siyang nabunutan ng tinik nang matanggap ang mensahe na pinapayagan na siyang umalis.

“I’m so happy because it’s true when they say na parang nabunutan ng tinik ‘yung dibdib mo, ganu’n. Gumaan na ‘yung pakiramdam. Nawala na lahat ng stress, lahat noong iniyak ko, na pinadasal ko. Sulit talaga. Super thank you. Alam ko parang mababaw, but it’s really my dream, so yes, finally tuloy na siya.

“I thank GMA for allowing me, finally allowing me to fly. They may not know how important this is for me but thank you to GMA. I love it. I love it so much. I’m so happy,” emosyonal na sabi ni Carla.

At lumipad na nga ang aktres patungong New York kasama ang kanyang ina. Nag-quarantine muna sila ng tatlong araw at pagkatapos ay namalagi ng 2 days sa New York para hanapin ang wedding gown and shoes ng aktres.

Nakatakdang ikasal sina Tom and Carla ngayong Oktubre 23 sa Tagaytay.

Andrea ‘di inggtera

Inamin ni Andrea Brillantes na na-shock siya sa mga labis na pambabatikos sa kanya ng mga netizen dahil sa naging pahayag niya kamakailan.

Matatandaang noong Agosto ay lumabas sa The Squad Plus channel sa YouTube ang vlog kung saan ay sinabi ni Andrea na nasasaktan siya kapag may bagong artistang sumisikat agad gayung siya ay napakatagal ng hinintay niya para mabigyan ng break.

Dahil dito ay katakot-takot na bashings ang naranasan ni Andrea at tinawag siyang bitter, insecure, inggitera at kung ano-ano pang masasakit na salita.

Sa panayam ni Boy Abunda kay Andrea sa YT channel ng King of Talk na in-upload last Friday, ayon sa aktres ay gulat na gulat siya sa mga negative reaction ng mga tao.

Paliwanag ni Andrea, ang hindi raw alam ng tao, ‘yung mga sinabi niya that time ay mindset niya noong 13 years old pa lang siya at hindi ngayong 18 na siya.

“Nagulat ako that I received a lot of criticisms kasi first of all, it was a normal pain for me and other artists as well. Kaya ko ‘yun nasasabi kasi siyempre, ang dami kong nakakakwentuhan and they agree, nakaka-relate sila. But I’m not saying that just to justify my statement,” aniya.

“First of all, wala akong sinabi na hindi nila deserved. I didn’t invalidate their success, their talent, their craft. All I said was masakit siya para sa akin kasi masakit naman talaga.

“Una, I thought it was going to be kind of ‘relatable’ kasi para siyang ‘dyowa mo ‘ko for 5 yrs, may dumating lang na bago, ipinagpalit mo ‘ko.’ Parang almost same thing. Masakit lang siya,” paliwanag ng Huwag Kang Mangamba star.

Aminado rin naman siyang bilang teen-ager ay normal lang naman na nakakaramdam siya ng pagseselos. Ang masama raw ay kung bina-badmouth mo ang isang tao.

Bilang isang manager ay in-analyze naman ni Kuya Boy ang naging feelings ni Andrea that time at aniya ay valid naman daw ito. At pwede rin daw itong maging fuel sa aktres para i-review ang sarili at pagbutihin pa lalo.

Pinuri rin ni Kuya Boy si Andrea sa pagiging matalino at mahusay na aktres nito.

Kim, Jerald praning sa swab test

Masuwerte ang real-life couple na sina Kim Molina at Jerald Napoles na kahit pandemic ay sunod-sunod ang projects nila sa Viva. May bago na naman silang movie, ang Sa Haba ng Gabi .Pangatlo na nila itong pelikula together this year. Ang dalawa pang nauna ay ang Ang Babaeng Walang Pakiramdam at ang Ikaw at Ako at Ang Ending.

Medyo nasasanay na nga raw sila sa new normal set-up ng pagsu-shooting .Napakaraming health protocols na kailangang sundin at naka-lock-in for two weeks at kailangan pang mag-quarantine.

“Unti-unti na po akong nasasanay, pero ako, hindi ako nasasanay sa swab (test), eh. Never akong nasanay sa swab. Pero wala pong choice,” sey ni Jerald sa Sa Haba ng Gabi virtual mediacon.

Umayon naman si Kim at parang first time nga raw lagi ni Jerald kapag nagpapa-swab.

Traumatic na nga raw kay Jerald na may swab in and swab out sa tuwing bago at pagkatapos ng shoot.

“Swab in, nakakapraning kasi ‘pag nag-positive, wala ka nang trabaho, tanggal ka sa produksyon. Eh project per project basis lang naman kami. Hindi ito kagaya ng magpagaling ka lang ng 2 weeks, pasok ka na. ‘Eto, pag natanggal ka, abang ka na naman ng ilang buwan kung bibigyan ka ng trabaho.

“Sa exit swab naman po, kung saka-sakaling mag-positive ka, ‘yung kikitain mo, gagastusin mo kasi magku-quarantine ka sa ibang bahay para hindi ka makahawa,” ani Jerald.

Thankful naman ang KimJe sa tiwalang ibinibigay ng Viva sa kanila na sunod-sunod ang kanilang proyekto at talo pa nga nila ang ibang loveteam sa pagka-busy ngayon.

Mula sa Viva Films at Reality Entertainment, directed by Miko Livelo, mapapanood na sa October 29 ang Sa Haba Ng Gabi sa Vivamax. Kasama rin sa movie si Candy Pangilinan.

Leave A Reply

Your email address will not be published.