Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Carla ayaw pakasal kay Tom

0 415

Game na game na sumabak sa “GusTOMoba” challenge ang Kapuso actor na si Tom Rodriguez nang mag-guest sa ‘Unang Hirit’ .

Iba’t ibang mga tanong mula sa host na si Lyn Ching ang sinagot ni Tom, pero ang pinaka-espesyal ay nang matanong siya kung handa niyang pakasalan ang longtime girlfriend na si Carla Abellana sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Sagot ng aktor, “Ako, okay lang. Kaso nu’ng tinanong ko siya, definitely no.”

Pero naiintindihan naman daw ni Tom na gusto ni Carla na maging special ang wedding day nila, “Ako, my only dream is to be the one next to her. That’s my only requirement. Siyempre, I want it to be special for her.”

Angeline 3 taon ang agwat sa kalambingan

Special friend kung ituring ngayon ni Angeline Quinto ang bagets na kalambingan. Makikita ang kanilang larawan sa Instagram ng singer-actress.

Ayon sa tsika, 3 taon daw ang agwat ng lalaki kay Angeline.

Nasa stage pa lang sila na araw-araw na nag-uusap pero hindi madalas magkita dahil sa pandemya.

Inaasam din ni Angeline na maging maayos silang dalawa.

Talbog!

Kylie ‘di madali maging batang ina

Sa isang Instagram post, naging open si Kylie Padilla tungkol sa mga nararanasang struggles bilang isang ina. “Being a young mom is not an easy thing… but it’s so strange,” panimula niya.

“Motherhood has always been such a pivotal thing for me. I am naturally inclined to give more of myself to my family BUT also at the same time I find a new kind of drive to pursue all of my other dreams. I would have never tried to pursue them if I still had my old mentality, before I had kids.”

Pagpapatuloy ng ‘Encantadia’ actress, madalas niyang i-remind ang sarili na hindi selfish ang pag-aalaga rin ng sarili at hindi dapat ito ika-guilty ng mga nanay na katulad niya, “It is difficult to juggle and sometimes mom guilt gets the best of me but I respect the fact that I can’t give my family the best version of me if I can’t give myself the chance to grow in all my other talents and grow as a person. I’ll be forever grateful we shared our growth together.”

Leave A Reply

Your email address will not be published.