Abante Tonite Interactive

Carla ayaw pang magpabuntis kay Tom

639

Marami ang naaliw sa pic ng magkasintahang Carla Abellana at Tom Rodriguez na nai-post sa social media account ng una.

Sey nila, bagay na bagay raw sila at kung sakaling magkakaroon sila ng anak, siguradong maganda o guwapo raw ito dahil parehong maganda ang lahi ng dalawa.

Binuyo rin si Carla ng isang netizen at sinabing magka-baby na sila dahil nasa tamang edad na naman sila.

Sagot ni Carla, kasal daw muna bago ang pagkakaroon ng baby.

Inulit ito ng isa pa at ganoon din ang naging reply ng Kapuso actress.

Si Carla at Tom ay vocal naman sa pagsasabing nagpaplano na sila ng kasal.

Katunayan, napabalita pa ngang bumi­li na ng lupa si Carla samantalang si Tom naman ang naatasang magpatayo ng bahay dito. (Archie Liao)