Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Carla, Jasmine, Seth nilayasan ang dating manager

0 89

ROMMEL PLACENTE: Usong-uso talaga sa mga artista na ‘pag hindi na kuntento sa kanilang manager o management ay umaalis sila rito.

Tulad sa kaso ni Jasmine Curtis- Smith,iniwan niya na ang dating manager na si Bechay Vidanes at lumipat na ito sa Crown Artist Management na kinabibilangan ni Maja Salvador bilang CEO. In-announce na nila sa pamamagitan ng kanilang Instagram account na talent na nila ang nakababatang kapatid ni Anne Curtis. Ang caption pa nga nila ay Our Indie Queen. So tama pala ‘yung nasulat natin dito sa Cuatros na si Jasmine ang bagong talent ng nasabing agency.

Ano kaya ang dahilan ng pag-alis niya kay Bechay? Nakulangan ba siya sa mga project na binibigay sa kanya? Ano’t anuman ang dahilan sina Jasmine at Betchay lang ang nakakaalam ng kanilang paghihiwalay. Pero sana ay okey pa rin sila. Sana naghiwalay sila ng walang samaan ng loob sa isat-isa,di ba?

MILDRED A. BACUD: Natsimis na bago na rin daw ang manager ng young actor na si Seth Fidelin. Although under Star Magic siya ay nawala na raw ito kay Mario Colmenares.

Supposed to be ay si Becky Aguila, manager nina Jennylyn Mercado at Andrea Brillantes ang papalit.

Pero the latest we heard medyo nagkakaproblema sa kontrata. Mukha naman daw maaayos sabi ng aming kausap kasi wala naman problema sa dati niyang co-manager. Sa end lang daw ng Star Magic. Ganun? Sana nga maayos. (Ayon sa source, hindi raw pumayag si direk Lauren Dyogi na may katuwang pa sila sa pagma-manage kay Seth-ED).

In fairness maganda naman ang career ng young actor ngayon. Malakas talaga ang hatak ng loveteam nilang ni Andrea.

RODEL FERNANDO: Confirmed na wala na talaga sa bakuran ng ALV Circuit, Inc. ni Arnold Vegafria si Carla Abellana. Noong January 12 na kaarawan mismo ng tv host-actress ay inanunsiyo na ng bago niyang manager na si Popoy Caritativo na nasa pangangalaga na siya nito.

Of course, puwedeng sabihan si Carla na wala siyang utang na loob na after the loving and caring sa kanya ni Arnold ay iniwan niya lang ito. Ang tsika, kaya raw siya umalis sa poder ng dating manager ay naimpluwensiyahan umano siya ng kanyang boyfriend na si Tom Rodriguez na nasa pangangalaga din ni Popoy.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Hindi pa namin nakakausap si Arnold sa bagay na ito pero kahit dati pa ay lagi niyang sinasabi na handa siya sa mga ganitong pagkakataon. Pero sa totoo lang, hindi mapapasubalian ang katotohan na napakalaki ng nagawa ni Arnold sa karera ni Carla. Pero ganun talaga ang buhay at hindi naman ito for sure ikalulungkot ni Arnold dahil marami pa siyang mga alaga na namamayagpag sa ibat-ibang larangan gaya nina Senator Manny Pacquiao, Sunshine Cruz, Sylvia Sanchez at marami pang iba.

ROLDAN CASTRO:Naku, may tsika pa akong nasagap na mawawala na rin daw si Megan Young sa pangangalaga ni Arnold Vegafria? True ba ito? May bagong manager na rin ba ang dating Miss World?

Sa totoo lang, hindi na nakakagulat ‘yung pag-alis ng talent sa kanilang manager.

Ganyan na talaga ang kalakaran.

Ang abangan na lang ay kung tama ang desisyon nila na lumipat.
Meron din masuwerte na bumubongga ang career sa bago nilang kuwadra.

Pero, karamihan din ay lalong nalalaos ‘yung mga umaalis sa dating manager.Marami nang artista na nawala dahil sa ganyang pangyayari at desisyon.

Natutumalan sila sa mga proyektong ginagawa nila pero sa totoo lang hanggang ganoon na lang talaga ang career nila.

Pak!

Leave A Reply

Your email address will not be published.