Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Carla nagdusa sa sakit

0 726

NI: ROLDAN CASTRO

Ibinahagi ni Carla Abellana ang mga pinagdaanang hirap dahil sa kanyang health condition.

Sey niya sa ‘Just In’ episode , habang nagte-taping para sa ‘Love of my Life’, napapansin daw niya na bumibigat ang kanyang timbang.

“July tayo nag-start ng Love of My Life, August, September nag-gain ako ng 26 pounds in total sa loob ng four months na ikinataka ko. Kasi naka-diet food ako, nagwo-work out ako three times a week. Bakit nadadagdagan nang nadadagdagan ‘yung timbang ko kesa mabawasan or ma-maintain?”

Kaya naman agad na nagpatingin sa doktor si Carla, “May problem pala ako sa liver, may asthma daw pala ako, so kumbaga the more ako nagpatingin, the more na may nahahanap kami. Ang hirap kasi nagsabay-sabay…Pinaka-frustration ko ‘yung weight gain talaga kasi kahit anong efforts naggi-gain nang naggi-gain imbes na mag-stop siya,” lahad pa niya.

Ngayon ay kapansin-pansin na ang pagbawas ng timbang ni Carla. “Goal ko is hindi pumayat kung hindi bumalik doon man lang sa normal ko na appearance and weight. Masaya na ako kahit mag-lose ako ng one pound,” sambit pa ng aktres.

Sumunod din siya sa payo ng kanyang mga doctor. “Nag-take ako ng mga medication, may mga nagbago sa diet, nag-increase ng workout, lahat! Nag-fasting ako, nag-elimination diet. Thankfully gumana naman ‘yung mga gamot parang in a way maintenance na medicine. Na-lose ko rin naman thank goodness ‘yung 26 pounds,” aniya pa.

Leave A Reply

Your email address will not be published.