Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Carla nagtago ng butas na panty

0 675

NI: ARCHIE LIAO
Sa kanyang vlog, nagbahagi si Carla Abellana ang ilang trivia tungkol sa kanya na hindi alam ng karamihan.

Ani Carla, noong nag-aaral daw siya ng kolehiyo sa Dela Salle Manila, natiis niyang hindi kumain ng kanin sa loob ng tatlong taon.

Wala raw namang conscious effort sa kanya ang magpapayat noon pero na-realize niya na kaya pala niyang gawin iyon as long na malakas ang kanyang will power.

Noon din daw teener siya, namiligro raw ang kanyang buhay dahil nalason siya sa pagkaka-inhale ng very strong dry cleaning agent.

Binalak daw kasi niya noong labhan ang blazer o corporate attire ng ina sa kagustuhang makatulong sa kanyang mommy.

Ang ending, naospital siya at nalagay sa ICU ng ilang araw dahil sa pagkakalason.

Ilan pa sa ini-share niya ay ang pagtatago o pagsusuot umano niya ng butas na underwear.

Hindi raw naman sa hindi niya afford ang bumili ng bago, kaya lang ay hindi niya minsan maipagpapalit ang comfort na dulot ng mga gamit na kanyang nakasanayan na.

Ayon pa sa Kapuso actress, nasubukan din daw niyang pumasok sa corporate world noong wala pa siya sa showbiz.

Pagbubunyag pa niya, naranasan daw niyang sumuweldo ng mas mababa pa sa tinatanggap na sahod ng kanilang driver.

Gayunpaman, nadagdagan daw naman ang sahod niya kahit papaano pagkatapos ng isang taon.

Kamakailan lang ay inamin ni Carla na hindi sila laging sweet ng nobyong si Tom Rodriguez.

Matatandaang kamakailan din lang ay nag-leak ang ilang detalye tungkol sa kanilang wedding nang i-publish ito sa anunsyo ng isang church.

Leave A Reply

Your email address will not be published.