Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Carla pinagdiskitahan sa cake na may nota

0 127

Nagkakagulo ang mga diwata at sirena dahil kay Carla Abellana. At hindi ang bagong drama niyang “To Have and To Hold” ang dahilan kaya nawarat ang colegiala sensibilities ng sangkabaklaan.

Ang matimtiman birhen at mga maricon busilak pa ang imaginary pagkababae, hindi kinaya ang cake na kanilang nasilayan sa bachelorette party na ibinagay para sa soon to be Mrs. Bartolome Alberto Mott (Tom Rodriguez).

Ang cake na pinagdiskitan at nagpaningkit sa mata ng mga maricon, may pambihirang palo-palo décor kasi sa ibabaw nito. Panalo ang girth, ulo at family jewels sa phallus décor. Ang mga kaibigan ni Carla, captured sa larawan ang kanilang halakhakan. Hindi maitatagong impit na pagtili dahil sa kagila-gilalas na penis on top of the cake.

At super classic ang sosyaling pag-smile at amusement ni Abellana habang pinagmamasdan ang adornment sa cake. Ano nga kaya ang tumatakbo sa isip ni Carla dahil sa cake tripping ng kanyang closest friends?

Sanya bagay na First Lady

Tumitili ng walang sound at with matching up and down na paglundag ang mga follower ni Sanya Lopez.

Bakit kaniyo? Nagbabanta na kasi ang book 2 ng popular na romantic comedy na pinagbidahan ni Lopez, kasama ang forever heartthrob Gabby Concepcion, ang “First Yaya.”

May mga social media post na teaser na kasi at may drama pa itong “Sa Muling Pagkikita” na imposibleng mapagtano at pansinin ng mga sumubaybay sa extra kilig na pagmamahalan na nangyari sa beauteous kasama sa palasyo domestic staff na si Melody at ang presidente Glen Acosta, ang mga katauhan nina Sanya at Concepcion.

Hindi na nating kailangang sauluhin pa na ang nasabing romance. Talagang nakapag-super push sa estrella ni Lopez at ang mga loyal Kapuso viewers, minahal na talaga siya.

Maski nga si Mr. M, si Johnny Manahan na currently eh GMA Artist Center consultant eh isa si Sanya na may curiosity siya .Tiyak may plano ito para sa dusky dalaga para mas lalo pa itong sumikat at maging tunay na household name and star.

Kaya, sa muling pagbabalik ng “First Yaya” sa telebisyon at ayon sa source ay ‘First Lady’ na umano ang title, ngayon pa lamang, malugod na pagbati sa inyong tiyak na tagumpay. Bagay si Sanya na ‘First Lady,’ huh!

Ms. U , Ms. World pinababalik kay Araneta

Eh ano naman ang dapat kung maging reaksyon sa 6 hours na Ms. World Philippines pageant na may pagtumba pang di daw sinasadya ni Tracey Maureen Perez? Parang ikinaganda naman niya ang pagtumba dahil siya ang nagwagi di ba?

Sa true lang tayo ulit, pinababalik na ng mga nertizen kay Madam Stella Marquez de Araneta ang pamamahala sa Ms. World PH at Ms. Universe PH. Dahil sa mga bagong namamahala at nagpapatakbo nito, nawala umano ang glitz, glamour at sophistication na patented na ni Madam Stella.

At dun sa lesbian winner sa MU Philippines, naway hindi isentro ang kampanya to the crown sa kanyang sexual orientation at preference dahil tiyak she has more to offer.

Bukas na aklat naman na may transwoman na pinayagang sumali sa Miss Universe .Pero all she got was media mileage and social media buzz pero Ms. Spain Angela Ponce did not make the cut.

Eh sa very Kylie Versoza aura nitong si Beatrice Luigi Gomez, mas pang-Miss International kesa Ms. Universe.

Huwag akong dramahan na “magandang” representasyon siya of the pink community. Tandaan, “beauty pageant” ang kanyang lalahukan at hindi forum on LGBT and all the other letters in the alphabet forum or seminar, hindi ba naman?

Leave A Reply

Your email address will not be published.