Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Carla ready magpatawad sa pagtataksil ni Tom

0 219

Tinanong si Carla Abellana tungkol sa infidelity.

Ito kasi ang temang tina-tackle ng kanyang seryeng “To Have and To Hold.”

Aniya, kung sakaling magtataksil daw sa kanya ang fiance na si Tom Rodriguez, kaya raw niya itong patawarin.

Kumbaga, naniniwala siya sa kasabihang “to err is human, to forgive is divine, “

Gayunpaman, iyon daw noble act of forgiving ay hindi dapat maging lisensiya ng nagkamali para uliting muli ang kanyang pagkakasala.

Excited na rin si Carla sa nalalapit na kasal nila ni Tom sa susunod na buwan.

Gabby ‘ininggit’ si Sharon

Nag-post ng video collage si Gabby Concepcion kasama ang naging leading lady niya noon na si Dawn Zulueta.

Tinag pa nito si Dawn at maging ang official fan page nito.

Tinawag pa nitong “elegant” at ‘”classy” ang dating kapareha.

Kinilig naman si Dawn sa papuring ibinigay sa kanya ni Gabby kaya hindi nito napigilang magkomento sa post ng aktor.

“Miss working with you, Gabo! Ingat,” sey ni Dawn with matching smiling eyes and praying hands emojis.

Minsan na ring naging third wheel ni Sharon si Dawn sa pelikula nila ni Gabby.

Dahil sa post na ito ni Gabby, may mga mahadera namang nago-opinyon na iniinggit umano ng actor si Sharon.

Binibigyan din ng ibang kahulugan ang pagsasabi niya ng pagiging classy ni Dawn.

Beks Battallion nagbunyi sa puwet ni Marco

Bilib ang Beks Battalion (Chad Kinis, Lassy Marquez at MC Calaquian) sa pagiging pro ni Marco Gallo.

Walang takot kasing nagbuyangyang ng kanyang puwet ang Fil-Italian actor.

Ayon kay Chad, nagutom daw siya sa pasilip ni Marco sa pelikulang “Ang Manananggal na Nahahati ang Puso” .Palabas na ito sa Vivamax sa Oktubre 1.

Hirit naman ni MC, sobra kinis daw at talagang petmalu ng puwet ni Marco na animo’y umaakting din.

Sey naman ni Lassy, may maipagmamalaking Hungarian sausage raw ang aktor at enjoy pa nitong umanggulo.

Aminado ring nainggit sina Chad at MC kay Lassy dahil at close range raw nitong nasaksihan ang bombilya ni Marco na nagniningning in broad daylight.

Leave A Reply

Your email address will not be published.