Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Carla, Tom ‘kasal’ na

0 1,146

NI: ARCHIE LIAO

Sa isang video na nag-circulate online , natanong na naman ng mga faney ang Kapuso sweethearts na sina Carla Abellana at Tom Rodriguez kung kailan sila pakakasal.

Matagal na kasi ang relasyon ng dalawa bilang magnobyo at kung tutuusin, pareho na rin silang nasa wastong gulang para lumagay sa tahimik.

Pero sa kaso ni Carla, tila muli na naman siyang nalagay sa ‘hot seat’ dahil hanggang sa ngayon, walang kasiguraduhan pa kung kailan talaga nila balak magpakasal ni Tom.

Ani Carla: “Yan na nga ba sinasabi ko e. ‘Yan ang gusto niyong tanungin e. ‘Yan ang pinakamadalas na tinatanong sa amin ni Tom. Honestly dalawa lang po ang nakakaalam kung kailan po kami ikakasal, si Lord at si Tom. ‘Yun lang ‘yun nasa kanilang dalawa po ‘yan. Lagi pong tinatanong ‘yan sa amin kung kailan po kami ikakasal pero only God knows. Si God na lang ang magsasabi kay Tom, si Tom na lang magde-decide kung kailan.”

Mula naman sa background ay maririnig ang reaksyon ni Tom na ibinuking ni Carla.

“Oy, may sumasagot dito. Pressure daw. ‘Wag niyo daw siyang i-pressure,”hirit ni Carla.

Ibinahagi rin ni Carla kung paano pang pinatibay ang kanilang relasyon ng nararanasang quarantine.

“Masuwerte po kami na right before magsimula ang lockdown noong March 15 if I’m not mistaken, nakapunta na po dito si Tom, nandito na po si Tom (sa bahay niya.) Tamang tama po kung sakaling hindi siya pumunta at nag-stay po dito, mag-isa lang po talaga ako dahil wala po akong kasambahay at personal assistant, nasa probinsya po sila nakauwi. So mas tumatag pa po ‘yung relationship namin ni Tom thankfully during quarantine kasi na-test po talaga nang husto ‘yung relationship namin,” ayon kay Carla.

Talking of Tomcar,kamakailan lang ay may nag-circulate na photo ng couple na magkasama sa isang simbahan kaya naman may mga nagtatanong kung kasal na raw ba o secretly married na ang dalawa. (Archie Liao)

Leave A Reply

Your email address will not be published.