Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Carlo, Angelica dedmahan pa rin

0 1,316

ROMMEL PLACENTE: Nag-guest si Carlo Aquino, kahapon sa ‘Showbiz Café’ ng FYE Channel sa Kumu.

Ito ay show namin kasama ang mga ka-Cuatros na sina Roldan, Mildred plus Ms. F, Melba Llanera,Joey Austria at Boy Romero. Napag-usapan ang pagiging isa niyang ganap na ama kay Mithi Enola. Ayon sa award-winning actor,sanay na raw naman siyang mag-alaga ng baby,magpalit ng diaper at magpainom ng gatas.Nagawa na raw naman niya kasi yun sa kanyang mga pamangkin.Talaga raw hands-on siya sa pagiging isang ama.

Naipapasyal naman daw nila ng partner niyang si Trina Candaza si Mithi.Pero hindi naman daw madalas, dahil sa pandemic.Kumbaga,iniingatan nila ang kanilang panganay.

Bakas naman talaga sa mukha ni Carlo ang pagiging masaya bilang isang ama.

Sa tanong sa kanya kung ilang anak ba ang gusto niya,ang biro niya ay 43.Hindi niya na binanggit kung ilan talaga.

RODEL FERNANDO: Nakakabilib naman ng pagiging hands on ni Carlo sa pagiging tatay sa kanilang first baby. Dito palang ay makikita na ang pagiging responsibleng father niya dahil mahirap ding mag-alaga ng bata sa totoo lang. Gusto pa rin ng aktor na maipasyal at mailabas ang anak nila. Pero dahil sa pandemic, hanggang bahay lang muna silang mag-anak. ‘Yun daw ang hindi nai-experience ng karamihan sa mga bata ngayon dahil umiiwas sa virus.

Pero mga Ka-Cuatros dapat ihanda na ni Carlo ang magiging kinabukasan ng anak nila. Siguradong masusundan pa rin si Mithi sa ayaw man nila at gusto. Darating ang panahon na magdodoble at lolobo ang kanilang mga gastusin.
MILDRED A. BACUD: Iba rin ang aura ngayon ni Carlo. Ang nagagawa nga naman ng pagiging bagong tatay. Iba raw ang nakukuhang inspirasyon sa pagkakaroon na ng sariling pamilya.

Related Posts
SM food to go Banner Ad

Sa nasabing guesting ni Carlo sa Showbiz Cafe ay natanong rin sa kaniya kung kumusta na sila ng ex- gf na si Angelica Panganiban. Matatandaang 2 years ago nang gawin nila ang pelikulang ‘Exes Baggage’. Nagkaroon ng paasa issue umano sa part ni Carlo kaya naman nasaktan ang aktres.

Sagot ni Carlo, ” Hindi pa kami nagkakausap. Hindi pa siguro ngayon. ‘Pag natapos siguro ang pandemic.”

Sa tanong kung willing pa rin ba siya to work with Angelica, mabilis niyang sagot, ” Well, tingnan natin kung may offer.”

ROLDAN CASTRO: Dapat nang mag-move on sa CarGel lalo’t may kanya-kanya na silang buhay. Happy si Carlo sa binuo niyang pamilya. Si Angelica naman ay may bagong boyfriend.

Mas uriratin na lang kung kailan sila parehong lalagay sa tahimik.

Matatagalan pa raw bago magpakasal sina Trina at Carlo. Nagpaplano sila pero wala pang eksaktong date at taon.

Tinanong namin si Carlo kung itutuloy pa rin ba niya ‘yung magpakasal sa bundok, gusto raw niya dahil love niya ang nature pero mahirap daw gawin ngayon dahil pandemya.

Anyway tumutok tuwing Martes sa Showbiz Café sa FYE channel ng Kumu, every Tuesday, 9:30 AM. Guest namin sa susunod na episode si Kokoy de Santos.

Leave A Reply

Your email address will not be published.