Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Carlo, EJ, Miguel kuminang

0 81

Binuo nina cue artist Carlo Biado, pole vaulter Ernest John Obiena at pro golfer, 2016 Rio de Janeiro Olympian Miguel Luis Tabuena ang tatlong atletang nagbigay ng karangalan sa bansa sa nakalipas lang na buwan.

SM food to go Banner Ad

Naghari si Biado sa $300K 44th US Open (Men’9-Ball) Pool Championship 2021 sa Atlantic, New Jersey noong Sept. 19 para iuwi ang $50K (P2.5M ), pumoste si Tabuena ng five-shot breakthrough win kontra kay hometown bet Brad Marek sa Idaho Open sa US din para makopo rin ang $5K (P250K);

At binura naman ni Obiena sa tinatak na 5.93-meter ang 5.92m Asian record noong 1992 ni Igor Potapovich ng Kazakhstan sa France sa third attempt upang mag-gold medal sa 17th Golden Roof Challenge sa Innsbruck, Austria. (Ramil Cruz)

Leave A Reply

Your email address will not be published.