Abante Tonite Interactive

Carlo lantaran na ang relasyon kay Trina

559

Mukhang hindi na itinatago ng Kapamilya actor na si Carlo Aquino ang relasyon niya sa kanyang non-showbiz girlfriend.Ito’y ang modelong si Trina Candaza. Siya umano ang naging dahilan kung bakit hindi natuloy ang muling pagkakabalikan ng mag-ex na sina Carlo at Angelica Panganiban.

Magmula nang lumabas ang larawan ni Carlo kasama si Trina last January ay umasim na ang relasyon ni Angelica sa dating nobyo.

Imelda Papin susubuking punuin ang PH Arena

Kaya kayang punuin ng singer-politician at Jukebox Queen na si Imelda Papin ang Philippine Arena na may seating capacity na 55,000? Ang nasabing lugar ay matatagpuan sa Ciudad de Victoria in Bocaue at Sta. Maria, Bulacan.

Si Imelda ay nakatakdang magtanghal sa Philippine Arena sa ‪October 26, 2019, Saturday sa ganap na alas-6:00 ng gabi. Billed as “Imelda Papin: Queen at 45”, ito’y kanyang anniversary concert bilang isang singer at concert performer. Magiging special guests ni Imelda sina L.A. Santos, Maffi Papin, Gloria Papin, Aileen Papin at Garry Cruz with special guest participation sina Andrew E., April Boy Regino, Claire de la Fuente, Eva Eugenio, Darius Razon, Jovit Baldivino, Marco Sison, Pilita Corrales, Sonny Parsons & Hagibis Band at ang Jukebox King na si Victor Wood.

Ang nasabing concert ay joint production ng Dream Wings Production at Papin Entertainment Productions.

Kapag napuno ni Imelda ang Philippine Arena ay siya bale ang magiging kauna-unahang Filipino singer-performer na makakagawa ng bagong kasaysayan pagkatapos ng #AlDubEBTamangPanahon event nina Alden Richards at Maine Mendoza na ginanap din sa Philippine Arena nu’ng October 24, 2016 na ginawaran ng recognition ng Guinness Book of World Records.

Alden solid Kapuso

Muling lumagda ng panibagong kontrata si Alden Richards sa Kapuso Network kamakailan lang kasama ang chairman/CEO ng GMA na si Atty. Felipe Gozon at ang President-COO na si G. Gilberto Duavit, Jr. Ang nasabing kontrata ay indikasyon ng muling pagpapalawig ng pagiging Kapuso ni Alden na nagsimula sa pagsali sa 5th season ng reality talent search na “Starstruck V” in 2010, the same year nang siya’y mag-audition sa “Pinoy Big Brother: Teen Clash” ng ABS-CBN.

Ang pag-zoom ng career ni Alden ay nagsimula nang aksidente silang maging love team ni Maine Mendoza sa “Kalyeserye” ng noontime show na “Eat Bulaga” and the rest ay history nang maituturing.

Kiko, Devon beyond network ang pag-iibigan

Dating Kapuso actor si Kiko Estrada na lumipat sa Kapamilya network at dati namang Kapamilya actress ang kasintahan niyang si Devon Seron na lumipat naman sa Kapuso Network. Pero sa kabila nito, wala umanong problema sa kanilang relasyon dahil beyond network naman umano ang kanilang pag-iibigan.

Nakikita ni Kiko si Devon as a wife material pero ayaw muna nilang madaliin ang lahat dahil pareho silang focused muna sa kanilang respective career.

Kamakailan lamang ay nagdiwang ng kanilang anniversary bilang magkasintahan sina Kiko at Devon na nagkalapit nu’ng kapwa pa sila nasa bakuran ng GMA.