Abante Tonite Interactive

Carlo nalaos matapos paglaruan si Angelica

700

By Archie Liao

Marami ang nanghihinayang sa ma-galing at award-winning actor na si Carlo Aquino dahil nag-pick up na sana ang karera niya noon pagkatapos maging matagumpay ang pagsasama nila ng ex na si Angelica Panganiban sa pelikulang “Exes Baggage.”

Dati-rati, hirap na makabalik sa leading man status ang aktor dahil karamihan ay supporting roles ang natotoka sa kanya sa mga indie film.
Pagkatapos ng successful team up kay Angelica, hindi naman kinagat ng mga tao ang tambalan nila ni Nadine Lustre.

Away-bati nilang relasyon ni Angge na nauwi sa tuluyan nilang cold war dahil feeling ng huli na muli siyang pinaasa (ginamit) ng aktor, nanumbalik muli ang perception ng mga tao sa pagiging playboy at two-timer ni Carlo.

Ni hindi nga nakatulong ang l­atest hanash nito sa pagtatanggol sa rumored girlfriend na si Trina Candaza na paboritong ibash noon ng CarGel fans na ayaw tantanan ng mga batikos at itinuturong dahilan ng kanilang naunsyaming relasyon.

Tila hindi na rin sineseryoso ang emote nito sa netizens na paghingi niya ng sorry sa kanyang mga ginawa at wala na ring dating ang pakiusap niya na siya na lang ang pagbali-ngan ng galit ng mga tao.