Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Carlo ‘di nilihim kay Rhea pagbubuntis ng dyowa

0 195

NI: ROLDAN CASTRO

Pasabog ang rebelasyon ni Carlo Aquino na ilabas ang baby nila ni Trina Candaza na si Baby Enola. Nanganak na ang kanyang girlfriend.

Hindi mo akalain na preggy si Trina dahil nagpo-post pa siya ng seksing larawan sa kanyang Instagram account nu’ng August.

Pero, December pa pala ay buntis na si Trina. Kaya naman pala kasal na ang pinag-uusapan nu’ng presscon ni Carlo sa Beautederm last February.

Nagsabi pa noon ang President at CEO ng Beautederm na magnininang siya sa kasal dahil may alam na pala ito sa kalagayan ni Trina.

“Kung gusto mo, akin din ‘yung reception, lahat. Para sa ‘yo.

“Whatever makes you happy, andito lang si ate and kuya,(Sir Sam Tan) mo for you. Mahal na mahal ka namin,” lahad pa noon ni Ms. Rei.

Bago pa mag-renew ng contract sa Beautederm si Carlo ay inamin na niya kay Ms. Rhea na nagdadalang-tao si Trina.

Pero nasa tamang edad na rin ang aktor para magka-baby. 35 years old na siya ngayon samantalang si Trina nasa 23 o 24 taon na.

Buong ningning ding sinasabi noon ni Carlo na si Trina na ang kanyang pakakasalan. May tsika pa nga siya na sa tuktok ng bundok ang bet niyang wedding.

Congrats Carlo & Trina. (Roldan Castro)

Leave A Reply

Your email address will not be published.