Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Carlos love ang esports

0 70

Bola patungong Multilayer Online Battle Arena o MOBA.

Ito ang eksena ngayon ni Emilio Aguinaldo College (EAC) cager Kyle Carlos nang amininng gustong mapabilang sa bagong tayong Esports school na Collegiate Center for Esports (CCE).

Bukod sa pagba-basketball nais din niyang maging isang gamer o Esports player.

“Personally, aside from basketball. Gusto ko talagang maging Esports player,” saad Biyernes ni Carlos.

Sa katunayan, kung hindi aniya bola ngayon ang kanyang pinagkakaabalahan, malamang na nasa computer o cellphone siya.

“Mahal ko ang Esports. Personally, second choice ko siya next to basketball.”

Kamakailan lang sumali si Carlos sa Mobile Legends: Bang Bang tournament 1-on-1 match kung saan nag-Final Four siya. Nakalaban si 95th National Collegiate Athletic Association hoop Finals MVP Fran Yu.

Malamang na umaksyon siyang muli sa NCAA 5-on-5 match. (Aivan Denzel Episcope)

Leave A Reply

Your email address will not be published.