Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Carlos tinahi sa mukha

0 245

Isang freak accident ang sinapit ng aktor na si Carlos Agassi na muntik ikawasak ng kanyang mukha. Ito ang ibinalita niya sa kanyang Instagram account kalakip ang videos at larawan habang nasa ospital siya.

Sey niya sa caption, nadulas daw siya at mukha niya ang unang bumagsak.

“Every week before my birthday, I always get into an accident. I can’t explain if it’s coincidence, bad luck or good luck, a sign or an omen. All I can say is that accidents do happen and it’s called an accident because nobody wanted this to happen.

“I slipped cause my rubber shoes broke and I face planted,” pagbabahagi ni Carlos.

Nagpasalamat din siya sa non-showbiz girlfriend na sinamahan siya sa emergency room.

Thanks my love @sarinayamamoto for being an angel and coming with me to the emergency rm and not showing me that you were crying,” post niya.

Kwento pa niya, mabuti na lang at nakapag-drive pa siya patungo sa hospital. Six stiches daw ang tinahi sa kanyang kilay at 4 stitches naman sa labi.

“Thank you Lord I was still conscious to drive to the hospital. Turning 41 this December 12 and will be back on December 11 to have my 6 stitches on my eyebrows and 4 stitches on my gums removed.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“Thanks to the emergency rm doctors and nurses for taking good care of me. ? What a learing traumatic experience,”

Ibinahagi rin niya nang nadulas siya ay hindi na niya halos makita ang kanyang mukha sa dami ng dugo.

“I was just walking and smiling in our house gym and next thing I know is that I’m lying on the floor. When I look at the mirror I couldn’t see my face but felt and tasted blood. Stay safe, healthy, and happy. Never take the simple things in life for granted. Never felt so alive,” pagtatapos ni Carlos.

Vhong inawan sa laban nina Coco,Vice, Vic

Aminado si Vhong Navarro na nabawasan ang kaba niya ngayong wala ang mga higanteng entries sa Metro Manila Film Festival na sina Vice Ganda, Coco Martin at Vic Sotto.

Isa ang pelikula ni Vhong na mapalad na nakapasok sa MMFF 2020 at dalawa lang silang comedy sa festival this year (ang isa ay Pakboys Takusa) since walang entry sina Vice Ganda and Bossing Vic.

“Siyempre, nabawas ‘yung kaba ko,” ani Vhong sa Zoom mediacon nang matanong kung ano ang pakiramdam niya na wala ang mga higante sa MMFF, “nawala ‘yung kaba nang konti. Kasi siyempre, iba ‘yung Vice, iba ‘yung Bossing, iba ‘yung Coco. Pag filmfest, every year ‘yan, nakikita mo sila. Talagang bangaan ‘yan sa takilya.”

Aminado naman siyang masaya siya na nakapasok ang movie niya pero at the same time ay may kaunting lungkot dahil hindi nga ito ang nakagawiang MMFF taon-taon na sa sinehan manonood ang mga tao. This year kasi ay sa online lahat mapapanood ang mga entries.

“Hindi ‘yung ine-expect natin na filmfest. Ito ‘yung makabago. Na ang ie-enjoy na lang natin dito, kung paano tayo papasok doon sa makabagong paraan at kung paano mae-enjoy pa rin ng tao na para silang nanonood sa totoong sinehan,” sey niya.

Leave A Reply

Your email address will not be published.