Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Carmina boto kay Kyline

0 135

Naging panauhin kamakailan si Carmina Villarroel sa “Mars Pa More”.Nausisa siya tungkol kay Kyline Alcantara na nali-link sa anak niya si Mavy Legaspi.

Sa “Tarantanong”segment, walang kagatul-gatol na sinabi niyang aprub sa kanya kung sakaling liligawan ang young actress ng kanyang binata.

“Very vocal si Mavy sa pagsasabi na crush niya si Kyline. Pasado ba sa ‘yo si Kyline bilang girlfriend ng anak mo?” tanong ng host na si Iya Villania

Mabilis na “Yes” agad ang isinagot ni Carmina.

Inesplika naman ni Mina kung bakit siya umokey agad.

“Kaya ang bilis kong sumagot ng oo kasi alam kong I am super sure. Super friends, barkada talaga sila,” ani Carmina.

Ayon pa sa aktres, bago pa man naging love team sina Mavy at Kyline ay close friends na raw ang dalawa.

Aniya, malaking factor din daw ito kaya aprub sa kanya ang relasyon ng dalawa.

“Very comfortable sila sa isa’t-isa, ganun din naman ako, dahil hindi lang naman si Mavy yung kaibigan niya kundi si Cassy din,” paliwanag ni Carmina.

Sina Mavy at Kyline ay magkasama sa upcoming Kapuso series na “I Left my Heart in Sorsogon”na pinagbibidahan nina Heart Evangelista, Richard Yap at Paolo Contis.

Karylle pinagkaisahan sa ‘It’s Showtime’

Usap-usapan ngayon ang rebelasyon ni Vice Ganda na tinanggal pala sa dating chat group nila ng ex “It’s Showtime” director ang co-host niyang si Karylle.

Sa Twitter, humirit kasi siya na : “May chat group kayo tas may iba pa palang group na lahat sila nandon… ginawa natin kay Karylle ‘yan dati.” Charooooot.”

Dahil dito nag-react ang mga netizen dahil sa ginawang pag-etsapuwera nila sa singer-actress.

Although, water under the bridge na raw ito dahil naganap pa ito noong panahong Kapamilya pa ang director, marami naman ang nagsabing unfair daw ito kay Karylle.

Sa nasabing rebelasyon naman ni Vice, hirit ng kibitzers, may atraso pa rin daw ang bangka ng “It’s Showtime” dahil pumayag ito na out si Karylle.

Ito naman ang reaksyon ng mga netizen sa nabanggit na rebelasyon ng komedyante.

“Kaya pala iba treatment nong ex director kay K dati.konti lang exposure..”

“Kasama naman pala ‘SILANG LAHAT’ na nasa show na pinagkaisahan nila. Tapos naghuhugas kamay na lang now At nagtututuro na.”

“Matagal na yan nangyayari, ok sila sa showtime.”

“Kung ako kay karylle aalis nko sa showtime, that’s big deal for me”

“Hahahaha! Hindi lang naman yung Director ang tumabla sa kanya kungdi LAHAT ng kasama sa show!”

“That hurts! Nasaktan ako for her. For sure my reason sila though.”

“Why? Ano kaya ayaw nila kay K.”

“Regardless of the reason, hindi maganda na may iniisolate na tao sa isang grupo. Kung may issue sila dun sa tao, kausapin harap harapan. No one wants that feeling na ineexclude ka.”

Leave A Reply

Your email address will not be published.