Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Carmina trending ang show na kontrabida

0 129

pa lang ay mainit na agad ang pagtanggap ng viewers at netizens sa newest GMA Afternoon Prime series na ‘Babawiin Ko Ang Lahat’ matapos na mag-trending ang world premiere ng serye nitong Lunes (February 22).

Sa direksyon ni Jules Katanyag, ang Babawiin Ko Ang Lahat ay kwento ni Iris (Pauline Mendoza) na mapipilitang iwan ang kanyang perpekto at kumportableng buhay sa pagdating ng unang pamilya ng kanyang ama na susubukang agawin ang lahat sa kanila.

Umani ng papuri sa mga netizen ang epektibong pagganap ni Carmina Villarroel bilang kontrabida ng serye. Marami rin ang nag-abang at natuwa sa muling pagbabalik telebisyon ni Tanya Garcia. Nagpaabot din ng pagbati ang mga fan ni Pauline sa first lead role ng Kapuso actress.

Mensahe ng isang netizen, “Congrats sa lahat ng cast. Muli na naman mabubuhay ang ating mga hapon dahil sa #BabawiinKoAngLahat!”

‘Wag nang magpahuli sa nakakaantig sa pusong kwento ng Babawiin Ko Ang Lahat, Lunes hanggang Biyernes, 3:25PM, sa GMA-7. Kasama sa cast sina John Estrada, Kristoffer Martin, Liezel Lopez, Dave Bornea, Therese Malvar, Tanya Gomez, Gio Alvarez at Manolo Pedrosa

Alden pinagmalaki ang virtual set

Laging pasok sa trending list tuwing Linggo ang reality kiddie singing competition ng GMA Network na ‘Centerstage’ dahil sa mas tumitinding labanan ng aspiring Bida Kids.

Sa nakaraang episode, bilib na bilib ang Kapuso viewers sa pinakabagong grand finalist na si Colline Salazar dahil sa kaniyang powerful performance ng kantang ‘Memory.’ Umani ito ng positive feedback mula sa mga netizen na talaga namang nakatutok sa kani-kanilang mga tahanan.

Inuulan din ng papuri ang programa online dahil sa husay ng concept pati na rin ang galing ng mga hosts at judges. Sey pa ng mga manonood sa social media, “Sulit ang panonood ng Centerstage! The set, the talented kids and the versatile at gwapong host!”

Dagdag pa ng iba, “Kudos to Centerstage for giving equal opportunities to kids.”

Samantala, excited na rin ang Centerstage fans sa grand reveal ng kanilang virtual set na first time masasaksihan sa Philippine TV. Simula February 28, gagamit na ng makabagong teknolohiya ang show para patuloy na maghatid ng world class entertainment para sa mga Kapuso.

Buong pagmamalaki ng host na si Asia’s Multimedia Star Alden Richards, “Another first na naman ‘to, another breakthrough ng GMA, the first television show to use a virtual set. ‘Yung virtual set kailangan abangan nila ‘yan.”

Leave A Reply

Your email address will not be published.