Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Carmona Mayor Loyola: Lokal na pamahalaan sagana sa badyet sa Lacson presidency

0 268

“‘Yung mga barangay captain natin, mayors, governors hindi na mag-lo-lobby sa national government dahil magkakaroon na ng development fund ‘yung mga different LGU (local government units) up to barangay.”

Ito ang mga katagang binitiwan ni Carmona, Cavite Mayor Roy Loyola na aniya ay isa sa mga pangunahing dahilan ng pagkakaiba ni Partido Reporma chairman at 2022 Presidential elections standard bearer Panfilo Lacson sa ibang mga nag-aalok na maging lider ng bansa sa susunod na anim na taon.

Ang nabanggit na programa ni Lacson ay nakapaloob sa Budget Reform for Village Empowerment (BRAVE) na kabilang sa mga una nitong ipapatupad katulong ng kanyang running mate na si Senate President Vicente Sotto III.

Sa ilalim ng BRAVE, ang pondong para sa mga lokal na pamahalaan ay direkta nang mapupunta sa mga ito taliwas sa kasalukuyang sistema na pinapadaan pa sa iba’t ibang ahensiya ng gobyerno na nagiging sanhi ng pagkaantala at pagkatapyas pa sa mga alokasyon.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Ang BRAVE din ang magbabago sa nakasanayang pagkakaloob ng proyekto sa isang bayan o lalawigan depende sa kagustuhan ng administrasyon kaya kadalasang hindi natutugunan ang mga totoong pangangailangan at prayoridad para sa mga ito.

Sa programa ni Lacson, ang pondo ay dadaloy sa mga lokal na pamahalaan batay sa mga proyektong naiisip ng mga namumuno sa mga ito bilang personal na nakakaranas ng kakulangan at pangangailangan ng kanilang mga mamamayan.

Ang Carmona sa ilalim ng pamumuno ni Loyola ay napapabilang sa mga lugar na mayroong pinakamasisiglang kalakalan dahil sa pagsulputan doon ng mga small and medium enterprises bunga ng pinasimpleng proseso sa pagkuha ng mga dokumento patungkol sa pagnenegosyo.

Leave A Reply

Your email address will not be published.